Alam ko na imposible ng mabalik yung dating tayo. Kasi sobrang nagkalabuan na tayo. Alam ko na sobrang naiinis ka na sa ugali ko.
Alam ko na super nasaktan kita kanina, nasaktan din ako nung sinabi mo sakin na “umalis ka na” saka nung sinabi mo ulit yung “last na to ah”.
Sorry kung ganito ako ah. Sorry kung hindi na ako yung dating Nica na nakilala mo, yung masayang kasama, palaging tumatawa, yung maintindihin, sweet at caring.
Maniwala ka man o hindi, iniintindi kita, kaso minsan nagagalit ako kapag sobra na. Siguro akala mo mababaw lang yung mga dahilan ko. Masisisi mo ba ako kung nakikita ko na medyo sumusobra ka ng magbilliards? Palagi ka kasing nandyan kahit na sabihin mo na hindi ka naglalaro.
Naiinis ako kasi yung dating atensyon na binibigay mo sakin wala na ngayon. Dati ko ng napansin. Kaya yung mga pagiinarte ko, pagkurot kurot ko sayo way ko lang yun ng pagapapapansin sayo.
Napansin ko din na medyo naging inconsiderate ka, siguro nga hindi na bearable yung mga ginagawa ko sayo pero hindi mo rin siguro nakikita yung sacrifices ko. Pero madalas naman talaga na nangyayari na kahit hindi ako umuoo ginagawa ko kasi wala naman akong magagawa, kukulitin mo lang ako tapos magtatampo ka, tapos gagawin ko naman. Sorry ngayon ko lang sinasabi sayo tong mga to ah.
Kahit wala na kong friends okay lang sakin kasama naman kita, kaso kapag sasamahan ko sila minsan nagtatampo ka na kaagad, e alam mo naman na kahit anong tiis gawin ko sayo hindi ko kaya diba? Kaya pinipuntahan kita pag nagtampo ka kaagad.
Kahit na ayaw kong gawin gagawin ko para sayo. Kahit na may reason/s ako kung bakit bawal or ayaw ko.
Thank you sa 4 months na to.
Super mamimiss kita. Yung mga daily notes mo lalo. Pwede ba kong humiling? Pwede bang gawin mo pa rin yun? Hanggang sa makamove on na ko? Hanggang sa kaya ko na?
Sinabi ko naman sayo diba na sa lahat ng mga promises na ginawa sakin yung sayo yung pinakagusto kong matupad. Kaso hindi na siguro matutupad yun. Pero kahit na ganito na tayo gusto ko parin matupad yun kahit sobrang suntok sa buwan.
Kahit na ilang ulit mo sabihin na mas sasaya ako sa iba, hindi ako makikinig sayo. You’re the best thing that’s ever happened to me. You’re the best worst thing that ever happened to me.
Dati sinasabi mo pa sakin na tanga ka kapag pinakawalan mo ko, pero ngayon narinig ko sayo na walang lalaking tatagal sakin. Ang laki ng pagbabago ngayon. Siguro nga sobrang nahihirapan ka na sakin.
Pero ang masasabi ko lang kaya ako nagkaganito kasi nagbago ka rin, may times na kahit magkasama tayo mag iipad ka, youtube, iphone, basta mga ganun. Ayoko lang sabihin kasi baka sabihin mo na nanunumbat ako.
Mamimiss talaga kita. Lahat lahat. Thank you kasi kahit na iyakin ako, matampuhin, whiny, kung ano pa man yan napagtiyagaan mo ko. Mamimiss ko yung pagcomfort mo sakin kapag umiiyak ako. Sa pagpapatahan mo sakin. Basta lahat lahat mamimiss ko.
Ang sakit lang talaga kasi kaya naman nating iwork out to pero nagdecide tayo na itigil na. Tanggap ko naman pero masakit lang isipin na ganun.
Eto na muna yung masasabi ko. Goodbye.
I love you still. I always will. Alam ko na maaga para sabihin pero sa tingin ko hindi na ko mageentertain ng kahit sinong lalake. Walang makakapagpasaya sakin gaya ng gingawa mo, kahit na anong lungkot nararamdaman ko basta kasama kita okay lang.
I miss you.
November 26, 2012
1:53 AM
Ngayon ka lang ba naging hindi totoo sakin? Kung hindi, ilang beses na bang nagyayari to? Kailan ka ba talaga naging totoo?
Haaaay. Heto nanaman ako, nagpopost sa Tumblr. Walang kasawaan.
Pasensya ka na kung nagkakaganito ako. Alam mo naman na pinakaimportante sakin yung honesty. Pero bakit kailangang magkaiba yung sinabi mo sakin sa sinabi mo sa kanila? Pwede mo namang sabihin sakin na iba yung kinwento mo sa kanila saka kung bakit kasi maiintindihan ko naman. Pero ang sakit lang talaga kasi sa iba ko pa nalaman.
Bakit ngayon pa? Kulang pa ba talaga yung binibigay ko sayo? Yung pag iintindi ko sayo, yung pagbibigay ko sayo ng time, yung pagmamahal, kulang pa ba? Kahit na binibigay ko na sayo yung best ko.
Hindi ko alam kung kaya ko pa. Pakiramdam ko nasa limit na ko. Napapagod din naman ako. Sana hindi ka na lang nagconfess sakin. Sana masaya pa tayo ngayon, nagbibiruan, tawanan, kwentuhan. Sana ngayong umiiyak ako ikaw yung nagccomfort sakin, kaso hindi, kasi ngayon ikaw na yung dahilan kaya ganito.
Miss na miss ko na yung dating tayo, walang away, walang sikreto, yung masaya lang. Pero malabo na yatang ibalik yung dating tayo. Wag mo naman sanang sayangin yung binibigay ko sayo. Sige ka, baka mamaya sumuko na lang ako bigla. Baka mamaya hindi mo na ako mapigilan.
ANG TANGA MO! Diba sabi mo tanga ka pag pinakawalan mo ko. Pero tanga ka nga bang talaga? Easy lang naman ako sayo diba? Kapag nagalit ako, konting lambing mo lang o kaya kapag nainis ka na ayan na ko. Kaya ok lang na pakawalan mo ko. Naiintindihan ko. Mas tanga ka kapag pinilit mo kong magstay. Go ahead. Habang hinahayaan kita. Salamat na lang ng marami sa lahat.
Kung magstay man ako siguro hindi na ako magiging tulad ng dati. Baka matagal pa bago bumalik yun.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing maiinis ako sayo kailangan na mainis ka rin sakin. Hindi ko alam kung bakit kailangan na ako pa yung makipagbati sayo. Bakit ako pa ang kailangang pumunta sayo? Bakit kailangan na ako pa ang makipag ayos sayo? Palagi na lang bang ganito? Kaya naisip kong hindi na lang ituloy yung pagpunta ko sayo. Hindi naman kasi tama na ako na lang palagi. Nasasaktan ako kapag ako na lang palagi yung gumagawa ng paraan. Kahit na ako yung nagtatampo kinakalimutan ko yung tampo ko sayo kasi nagtatampo ka, nababadtrip. Ayoko ng ganon eh. Palagi na lang yung feelings mo yung iniintindi ko. Saka ayoko ng kapag may nagawa ka na mali isang sorry mo lang ok na sakin. Kasi napansin ko paulit ulit na lang eh. Kaya hindi kita kinakausap. Kaso anong ginagawa mo? Mas lumayo ka. Okay lang sana kung nanunuyo ka eh. Kaso konting effort mo lang tapos nareject ka lalayo ka na kaagad, mag-gigive up ka na. Nagpapalambing lang naman ako eh. Kaso eto nanaman ako si tanga, pinuntahan ka pa, kaso ano nangyari sakin? Tinalikuran mo ko, iniwan mo ko. Alam mo ba na hindi ko mapigilan yung luha ko kapag naaalala ko yun? Habang nasa classroom ako pinipigilan ko yung luha ko kaya lang nung papauwi na ko hindi ko na talaga napigilan eh. Gagawa sana ako ng paraan para makipag-ayos pero huwag na. Kasi bakit ba ako na lang palagi? Palagi na nga kitang pinagbibigyan eh. Lahat ng hilingin mo sakin. Kahit bawal ginagawan ko ng paraan para lang sumaya ka. Pero dahil siguro sa mga ginagawa kong yun tinuruan kitang maging selfish. Hindi mo na naisip na intintihin yung mararamdaman ko. Ang sakit eh. Sobrang sakit. Kung alam mo lang talaga. Pwede ba kahit ngayon lang ako naman ang intindihin mo? Kahit ngayon lang, please. Pwede bang i-set aside mo muna yung feelings mo? Para naman maexperience ko yung feeling kapag ganun. Kasi palagi na lang ako yung umiintindi, wala kasing gumagawa nun sakin eh. Sorry kung ang bitter, pero eto kasi yung nararamdaman ko. Saka wala lang talaga akong malabasan ng sama ng loob. Pero wag kang mag-alala mahal na mahal pa rin kita. Hindi magbabago yun.
October 28, 2012
1:10am
Ngayon lang pumasok sa isip ko, dapat pa ba kitang bigyan ng chance next time? Deserving ka ba talaga para sa mga pag iintindi ko? Sobra na ba binibigay ko? O kulang pa?
Ginagawa ko naman ang lahat. Binabaan ko na yung expectations ko. Naging understanding ako, patient. Alam ko sa sarili ko, hindi ako nagkulang sayo. Halos lahat ng time ko binibigay ko sa’yo. Pero bakit ganun?
Binibigay ko sayo yung chance na to kasi alam ko na hindi ka katulad ng iba. Alam ko na totoo na talaga to. Pero sa una lang ba talaga yun? Nagbago na ngayon, nagkakaroon na ko ng doubts sayo ngayon.
You became selfish, inconsiderate… efforles at times. I know that I should be telling you this. Baka lang kasi biglang may magbago, ayokong mangyari yun. Baka magkaroon ng distance sating dalawa.
Alam mo naman kung ano yung pagkakamali mo. Sinasabi mo pa nga na magbabago ka. Asan na yun? Bakit wala akong maramdamang pagbabago? Alam ko na hindi ganun kadaling magbago kaya binibigyan kita ng time. Pero gaano katagal ako maghihintay? Bakit ganito pa rin? Alam mo naman na nandito lang ako diba?
Bakit parang hindi ko ramdam yung worth ko? Alam ko sinabi ko na tanggap ko kung ano ka. Pero hindi ba pwedeng magkaroon ng konting pagbabago? Para lang maramdaman ko yung effort mo. At times kasi kinekwesyon ko na yung love mo para sakin eh.
Nakakapagod magexpect! Nakakapagod maghintay sa mga bagay na hindi naman talaga mangyayari. Palagi mo na lang sasabihing “Ganito ako eh”. Anong point ng pagsasabi mo sakin ng mga flaws mo? Para saan yun?
Hihintayin mo pa bang mawala talaga ako para magbago ka, para bumalik ka sa dati? I’ve given you too many chances. Hindi ko alam kung kaya ko pang tumagal. Hindi ko alam kung kaya ko pang maghintay para sa bagay na wala ng kasiguraduhan.
I promised you that I won’t give up, I don’t know if I can still keep my promise. Nagawa mo na rin naman yun diba? Breaking promises.
Sorry if hindi ko magawang sabihin sayo yung mga ‘to.
(via makemestfu)
(via makemestfu)
(via the--personal--quotes)
(via ispeakquotes)